The Shed
translated from the Tagalog by Luisa A. Igloria
Its walls are fences of coconut palm.
It reeks of sweet-sour alcohol, but
this is home for a tubâ gatherer.
From here, you can also smell the sea, close
to the coconut grove and its towering trees.
In their shade, my cousins and I
used to play catch. We loved the carpet of amorseko
grass beneath the soles of our feet. Before you reach the road,
there is a taro-fringed natural fishpond
where tiny fish swim, their tails as though wrapped
in colorful sarongs. This is what life was like for us in Maybato.
Our village is very different today.
Almost all the coconut trees are gone.
The sea has a fetid stench and the beaches
are littered with bottles and plastic. Houses are stuck
right next to each other, and children no longer play
games—only their fingers chase across cellphone screens.
Where the fishpond used to sprawl, now there are three
houses the size of mansions.
Whenever I happen to visit, I remember
the walls woven of coconut fronds and bamboo
that grew at the edge of the sea. I seek out the tubâ’s fermented
scent. And I deeply regret how
I never even got to know the name
of the tuba gatherer whose house
was nestled in the coconut grove.
Kamalig
Ang mga dingding ay nirarang dahon ng niyog.
Amoy tubâ itong tirahan ng isang mananggite,
nag-aagawang tamis, asim, at alcohol.
Maamoy din ang dagat dahil nasa niyugan ito
sa ilalim ng matatayog na niyog.
Sa lilim niyon, doon kami naghahabulan
ng aking mga pinsan. Masarap sa talampakan
ang karpet ng mga bariri. Sa unahan bago magkalsada
may isang natural na fishpond na may mga dagmay
at may maliliit na isdang parang makulay na sarong
ang mga buntot. Ganito noon sa amin sa Maybato.
Ibang-iba na ngayon ang aming barangay.
Halos naubos na ang mga niyog.
Malangsa na ang dagat at punô ng mga bote at plastic
ang dalampasigan. Dikit-dikit na rin ang mga bahay
at ang mga bata ay mga daliri na lamang
ang naghahabulan sa iskrin ng telepono.
May tatlong mala-mansiyon na bahay na
sa dating malawak na fishpond.
Kapag napapagawi ako roon naalala ko pa rin
ang kamalig na yari sa mga dahon ng niyog at kawayan
sa tabingdagat. Hinahanap-hanap ko ang nagpi-ferment
na amoy ng tubâ. Nanghihinayan din ako
dahil ni hindi ko man lang inalam
ang pangalan ng mananggiteng
ang tahanan ay niyugan.
mananggite—tuba/coconut wine gatherer
bariri—amorseko
dagmay—gabi or taro plant
Used with the permission of the poet and translator.