translated from the Tagalog by Luisa A. Igloria

(home for the elderly, Lenhovda)

My sister Mimi tells me, 
many of the elderly she cares for 
often get dressed and pack 
as if they are about to go on a journey. 
One of them wears his sandals backwards. 
Another has put on her make-up, but unevenly. 

When asked what they are planning to do, 
they say they are going to Järnvägen Station 
and are in a great hurry 
so they won’t be left behind by the train.

But that train station at Lenhovda 
has been closed for almost half a century. 
Even the train tracks are gone. 
Back then, this was where you could get a ride 
to the cities of Växjö or Kalmar.

The train station they see in their minds 
is now just one wide parking lot 
for the workers in a factory 
where expensive windows are made.

 

 


 

Lingården Äldreboende Lenhovda

 

Kinuwento sa akin ng kapatid kong si Mimi, 
marami sa matatandang inaalagaan nila 
ay maaabutan na lamang nilang 
nakabihis at nakapag-empake na. 
Yung isa nga raw baligtad pa ang sandals. 
Mayroon ding hindi pantay ang meyk-ap.

Kapag tinanong kung ano ang gagawin nila, 
sasagot silang pupunta raw ng Järnvägen Station 
at kailangang magmadali 
dahil baka maiwanan sila ng tren.

Ngunit mahigit kalahating siglo na nagsara 
ang estasyon ng tren sa Lenhovda. 
Kahit nga ang riles wala na rin. 
Dito maaaring sumakay noon 
patungo sa mga lungsod ng Växjö o Kalmar.

Ang nakikita nilang estasyon sa kanilang isipan, 
isa nang malawak na parkingan ngayon 
ng mga nagtatrabaho sa pagawaan 
ng mga mamahaling bintana.

Copyright © 2025 by John Iremil Teodoro. Originally published in Poem-a-Day on September 20, 2025, by the Academy of American Poets.